![]()
sabi ko hindi na muna ako magblog kase walang time, merong time pero kapagod. pharma board exam is fast approaching at magpapasukan na sa med. meron na lang akong 2 weeks para magprepare sa kung ano mang dadating. Days before my graduation day, decided na stop na muna magdocument ng buhay ko para yung kontng time ko na tira, i get to spend with friends na malamang sa malamang ngayon ko na lang ding summer makakasama. magpublish sana ako ng video coverage ng graduation ko, magpost sana ako ng mga anecdotes ng everyday life ko habang nagrereview sa brex., magpost ng favorite lines ko sa mga series na pinapanood ko… tell stories about my out of towns. napigilan ko lahat ng un not until now andito ako sa herport. delayed ang flight. uso. ayan nagaannounce pati daw cdo, ilo ilo, cebu flyts, delayed din. wala namang magawa ung mga pasahero. buti na nga lang may ipad ung pamangkin ko. buti may psp din syang dala. kaya nasakin tongipad niya. haha
pauwi kaming leyte, ikakasal ung ate ko sa simbahan. dala ko ung tatlong pacop ko at manual ng brex at manor. nagexceed na ako ng 0.1 kg sa baggage. sarap. hindi ko malaman ngayon kung ano ang ipupunta ko sa probinsya. para ba magbakasyon or para magaral ng maayos. dami kase distractions sa bahay sa kyusi. di ako makapagfocus. not sure din kung dahil sa environment kaya di ako makafocus or ako lang talaga may kasalanan kaya di ako makafocus hahaha. sumama din ako kasi kasama ang nanay at tatay ko, eh i feel secured kapag kasama ko sila… sabi ko sa nanay ko wag niya sabihin sa mga tao sa probinsya namin na kasama ako sa paguwi don kasi baka hanapin ako sa mga dinner or events whatsoever, at nagaaral ako. nagsipagbakasyunan din kasi ung mga pinsan ko from states, magkakaroon ng fiesta the day after tomorrow, at magdeath aniv din ang kuya ko. nagpplan din magsswimming sa cold spring na pinagbabaran namin dati. so dapat waterproof ang mga pacop ko haha! omg i dunno whats gonna happen sa mga dadating na araw at kinakabahan na ako sa board exam, sa med, at wala pa akong natapos na pacop pacop fuck off!! yan na lilipad na kame gtg :))
The early bird catches the worm; a stitch in time saves nine. He who hesitates is lost. We can’t pretend we haven’t been told. We’ve all heard the proverbs, heard the philosophers, heard our grandparents warning us about wasted time, heard the damn poets urging us to ‘seize the day’. Still sometimes we have to see for ourselves. We have to make our own mistakes. We have to learn our own lessons. We have to sweep today’s possibility under tomorrow’s rug until we can’t anymore, until we finally understand for ourselves like Benjamin Franklin meant. That knowing is better than wondering, that waking is better than sleeping. And that even the biggest failure, even the worst most intractable mistake beats the hell out of never trying.

inay: may nakita akong maliit na palaka sa pintuan ng kwarto mo. buti na lang naabutan ko bago pumasok.
tat: baket mo pinaalis?! malay mo frog prince yun! prinsipe ko yun! naku namannnnn :))
Ever have one of those days where you just can’t win, Eeyore?
AKO TO! LOL.
(Source: thefuuuucomics, via heyfunniest)
You never give up on family.
Sometimes you have to back up in order to move forward.
i went home earlier than usual last monday. mga 4:30 pm, baket? kase gusto ko lang :) got stuffs to do lol.
wala naman akong problema sa mga lovers. maglandian kayo go. ok lang talaga na wala akong SYOTA as in sobrang saya ko na forever alone ako. kahit kailan hindi ako nainggit or nabitter sa kahit sinong couple. sabi nga ng nilike kong status ng isang fb friend ko “Porket ba Single malungkot na? Bakit, lahat ba ng Taken masaya?” opinyon niya un. nigalang ko lang sa pamamagitan ng pagLIKE :)
espanya. 4:30 pm. i made ‘para’ the jeep with the ‘pag- asa’ route. hindi ko na matandaan where exactly along espanya these 2 students of about 1st to 2nd year HS made sakay. they went straight to sit at the back of the driver (where i always prefer to sit but because of certain circumstances that i don’t know of at that particular moment, in the middle of the jeep, i was sitted). it is important that the reader pay attention to these details. this is called the setting of the story. setting, from the root word ‘set’, na naglalayon na mailagay ang kaisipan ng mambabasa sa pinangyarihan ng kwento. for them to relate what is going on in the story. josko. basta isipin mo nasa jeep ako nakasakay pauwi. nagabot ako ng twelve pesos sa mamang driver. with student’s discount na un. sabi ko mindanao ave. po galing ust. natural nasa gitna ako ng jeep, due to kaliitan ng aking ‘biyas’ kailangan may pasaherong mag-abot ng bayad ko. that was when i started to notice na yung umabot sa bayad ko ay isa dun sa 2 students of about 1st to 2nd year HS….
medyo nafix yung tingin ko sa kanilang dalawa. baket? kase yung isang mukhang mas matanda, nakaakbay siya dun sa mas bata. yung mas bata, nakasubsob ung pez nia sa dambuhala niang BAGPAK. before nun, nagkkwentuhan pa sila ng kung ano man, nagtatawanan. baka tungkol sa dota. malay ko. nakaearphones ako. wala ako masyadong paki sa mundo.
DISTURBING. sabi ko pa nung una sa sarili ko, baka magkapatid sila. may ganyan namang magkapatid. sobrang close. meron nga SIGURONG ganyang magkapatid. siguro super busy ng parents kaya inaalagaan nila ang isa’t- isa….. BAKA NGA. next na glance ko sa kanila, nakaakbay ung mas matanda sa mas bata, may nibubulong ung matanda sa mas bata. paano ka ba bumulong? syempre ilalapit mo ung bibig mo sa tenga ng bubulungan mo….. pagkatapos bumulong… aba naman! nikagat ung tenga!???? WATDAHELL?! magkapatid?!!! BAKA NGA. yung mga sumunod kong tingin sa kanila, nakasandal na ung ulo nung mas matanda sa ulo ng mas bata, still nakaakbay. ang pinakamaganda kase dito sa pangyayari nato, traffic pa din sa q. ave- araneta kaya antagal naming magkakasama sa jeep. antagal kong nagoobserve. HONESTLY, hindi ako nageenjoy. hindi naman sya porn, pero KILIKILABUTAN ako. opposite us ay isang matanda in early 50’s siguro, as in nagkakatinginan na lang kame sa nakikita namin. parang yung tinginan namin “B1, naiisip mo ba ang naiisip ko? OO NAMAN B2”. at nakakahiya, kung ako man ung gumagawa ng act na yun sa jeep, syettt respeto naman sa matanda. nakakatawa pa yung dalawang lalaking kumakain ng mais na nasa harapan ko din katabi ng matanda. nagbubulungan na din sila tungkol dun sa porn este! kung ano man un. haha! ang kalat nila kumain ng mais infernez! may butil butil pa ng seeds sa upuan. EW.
after araneta, maraming bumabang pasahero, nabakante ung sa side ko na malapit sa sakayan. umusog nako padulo. josko. I had suffered enough! lol. bumaba ung dalawang estudyante of about 1st year to 2nd year before magPegasus ‘20 years of touching’. nakita ko pa yata silang magkaHHWW habang papalayo ung jeep na nisasakyan ko.
ang akin lang naman, lahat ng bagay may tamang panahon, may tamang lugar. hindi naman masama ang magpakita ng love. basta nasa lugar. at hindi sa jeep ang tamang lugar na iyon. hindi un ung first time ko na makawitness ng pda. madalas sa fx dati kaso madilim naman dahil gabi ako umuuwi at hindi ko nakikita. at nakakatulog naman ako sa byahe madalas. at hindi din naman sa fx ang tamang lugar :) bakit nga ba kase hindi ako nakatulog nung time na yon sa jeep n may dalawang estudyang about 1st to 2nd year HS. kasalanan ko talaga lahat! AAYUSIN KO NA SARILI ko next time :))
ANG CATCH ng kwento: ung dalawang estudyanteng about 1st to 2nd year HS ay PAREHONG NAKAUNIFORM. white polo at black pants…….. pareho silang LALAKI.
February 9, 2012. my 21st. my debut :) [sorry na po sa id pic, mukhang BUGS LIFE]
favorite ko sa lahat ng months ang feb kase birthday ko po ng feb. masaya sa pakiramdam ko kapag patapos na january, kase pafeb na eh. diba magkasunod un? january tapos february?! :)) kahit one day lang naman sa february ang birthday ko, feeling ko buong month, may nicecelebrate ako :D
Feb. 9, nagshoshower ako, thursday 7 am ang class pero 9 am na ako pumasok dahil hindi ako nakaaral for juris quiz :) TIMANG talaga ako. naisip ko parang excited na excited ako for that day to arrive, wala namang nakaplan na mangyayari! ordinary day [ordinaryo talaga po na hindi ako nakakaaral for the quiz lalo na ngayon. habang papalapit ng papalapit ang graduation, patapang ako ng patapang. pag may quiz, kaya ko nang hindi nagaaral! haha!]. ordinary day, same shampoo, conditioner, soap, feminine wash! ang gamit ko! parang sa isang taon, un lang ung hinihintay mong date [well 4 me, un lang nihihintay ko ^^,] pero andun ako sa same bathroom na nipagliliguan ko every SMURFIN’ day. sa bagay kasalanan ko din, hindi na lang ako sa kabilang bathroom naligo para may kakaiba sa bday ko…..
hindi ako nageexpect kahit kelan. kung meron man, i lower my expectation kase ansaket saket kaya kapag UMAASA ka lang tas wala naman mangyayari. kaya kuntento ako palagi sa mababang standard. pero at least kahit ano mangyari, masaya ako :)
and so i woke up, hindi ako nigreet ng nanay ko unlike last year, merong dramatic act through text lol. but she was extra caring last birthday ko. nitanong niya ako kung ano gusto ko ibreakfast. tsaka mahinahon siya nakipag-usap sa akin buong umaga [yun naman ang pinakamagandang nangyari! haha!] yung mga kapatid ko, nigreet din ako… ok na un noh! hindi nga kame nagugoodmorning sa isa’t isa sa normal na araw eh! :) nakipaglaro din muna ako sa tatlong gulang kong apo before ako pumasok. nagbirthday sya last feb. 13, nisabay ung handa ko sa birthday niya,. pampalubag- loob sa akin dahil wala talaga akong handa. lol. ok lang naman saken, antanda na ng 21 y.o. para maghanda. buong 20 years ko naman, every year may celebration kami sa bahay. AT ako mismo nagdemand na CASH na lang ang ibigay =)
eh di pasok pasok din sa skul. exam exam din. hindi mataas ang exam results [ayos pa din. pwede ng score sa hindi nagreview] tamang pasa lang basta may mas mababa sa akin, masaya na ako :) happy bday nio naman sa akin, pag birthday nio, kayo naman ang mataas :)
swipe swipe din ng id. did you know that?!! since nag400 years ang UST, kapag magswipe ka ng id mo sa SWIPE-AN, hindi ordinaryong TOOT ang maririnig mo, kundi HAPPY BIRTHDAY. at since nag400 years ang UST, naabnormal tong id ko dahil hindi sya nadedetect ng SWIPE-AN ALMOST ALL OF THE SMURFIN’ TIME! lalo na kapag may kasama ako at gusto ko magpasikat na tutunog ung id ko, pero pag swipe ko, FAIL…. kaya PINAKAWISH ko before ako magbirthday, BER pa lang last year, crossed finger nako na sana sa birthday ko, magreet ako ng SWIPE-AN. as in nagdalawang isip pa ako kung magpapagawa NA NAMAN ako ng bagong id, ang mahal kaya noh! pero LOOK! sa taas, @11:23:01 AM hihi. salamat sa granted wish! :)
naglunch kame sa FINE DINING ng mga kaibigan ni kyla, level up ng konte sa kapitolyo kase bday ko daw :))

oh diba! FINE na FINE! parang libre ko pero hindi HAHA!
kumanta din kame ng 5CL ng happy birthday sa akin, except kay joylyn. saksi ako sa hindi niya pagkanta. yang joylyn na yan!! promise mga klasmits ko kung meron lang ako panlibre ililibre ko kayo kaso lang… (dot dot dot) meron din ako bortdey card na may messages nila. pinamunuan ni soapy my friend kase daw sabi nirequest ko un dati. salamat 5CL, salamat soapy :) palage ko babasahin ung bortdey card kapag natutulog ako :))
nigreet din ako ng mga kajankers ko, take note! tru text! nakakaTABA ng puso talaga kase ambarat kaya ng mga un sa load! kase ung load nila nakalaan lang pangtext sa mga boypren. mga malalande! haha. salamat mga kajankers. kung mababasa nio to, manlilibre naman talaga ako, kaso si Dora, ayaw niya magsabay kame ng celebration. KIJI!! :))
and also, i’m finally free from UTI! haha! natanggap ko na din U/A result ko nung day na un after 1 week of Qinolon treatment. MALINIS NA NILALANG NA ULIT AKO! hehe. nibigyan din ako ng hershey chocolate ni ysit na puro hangin [si ysit at ung chocolate, pareho puro hangin.haha!] nibigyan din ako ni louanne at ni joy capuch ng chocolate… kase nanghingi ako :) haha! nilibre din ako ni jc ng sunkist tea, u know, masarap kase libre :) salamat po!
at ung abnoy kong friend, kahit kelan hindi ako binigo. aba naman! may bortdey card na solo, may id lace ng dorigs, may beer at cake pa with kandols! pucha napalibre tuloy ako ng wala sa oras! haha! thank you din sa mga nakicelebrate sa akin after jogging. first tym ko magHEINEKEN beer, may tama sya infairness kahit 1 can lang. thank you thean at soapy again sa pagAAPOY ng mga kandila all the way from p. noval to field pav :)

syempre simba simba din. dasal dasal din. salamat kay Lord. hiling hiling din kase birthday =)
at SANDAMAKMAK na salamat sa SANDAMAKMAK na naggreet sa fb wall ko at twitter? (: sa mga nagpm din po at nagtext, NOTED (:
sarap ng tulog ko after. pinakamalambot na kama. pinakahuggable na unan. eh- eh- eh- eh- eh eh- eh- eh! TWENI WAN!
gift ko sa sarili ko ung pagsama sa Pampanga. nood Hot Air Balloon.
nagpicnic kame don

2nd tym ko makapagzoo



1st tym pero naka2nd tym sa gravity car

kaya ako lumaklak ng maraming lambanog, empe light at tanduay ice nun. kase may nicecelebrate ako :) kaya sorry na kung nagsusuka ako sa van. pasensya na kung hindi ako nakakain ng korean food sa arirang. pasensya na nalaglag ko sa pool ung masarap na cupcake na gawa ng mommy ni lengleng. kase laseng ako. pasensya na nalaseng ako….. MASAYA naman kaya malasing! NOH! =)

FOREVER ALONE mwahaha
(Source: lovequotesrus, via heyfunniest)
seriously, kasama ba sa forecast ng year of the ram this year of the dragon na all year round, may sakit ako? hindi na ako makapagblog dahil occupied ako sa pagpapagaling. dahil BAWAL AKONG HINDI MAGKASAKIT. simula Jan. 1, meron na akong flu, ngumatngat ako ng maraming maraming ponkan at dalandan para magpaLAKAS! pero after 3 days meron na naman akong sipon. plus sore throat pa! pagkawala ng sipon ko, aba naman! intermittent itchy eyes naman with accompanying contact dermatitis ang peg sa pez! AT ANG MALUPET PA DITO AYAW KO PUMUNTA SA DOKTOR :))))) kase ayoko. basta. at every other day, may mali pa din sa kalusugan ko. maswerte na 2 days na nagpapasalamat akong nararamdaman ko yung comfortable na feeling na walang sakit, maayos ung daloy ng hangin sa ilong, walang makati kung san san……… at NGAYON. wow! pagkagaling ko ng simbahan. aruruy! ang saket ng aking hmmm…. sabe ko DYESmenorrhea lang siguro (kpowzz. regular kase ako ngayon, surprisingly.lol) pero hindi. every 5 minutes bumabalik ako sa cr. kapagod! irita! habang nakaupo ako sa toilet bowl, nagiisip na ako ng sakit ko. hindi ito DYESmenorrhea. kase ang puson ay nasa bandang taas pa, at ang sakit sa pagihi na nararamdaman ko ay medyo mababa sa puson. INCOMPLETE URINATION, FREQUENT URINATION, PAIN ON URINATION…… BALISAWSAW! yan ang pinakascientific word na nacome- up-an ko sa pagseself diagnose ko. hahaha! sabi ng ate ko uminom daw ako maraming tubig. ako naman si rebelde, sa isip ko, “ay hindi ako iinom, kase kung wala akong niiinom, wala akong iiihi!” diba logical naman? :))) at natatamad na akong uminom at magpabalik balik sa cr. pag hindi pato huminto ngayon, hihingi na ako ng DIAPER sa lola ko! wahaha!
…nagopen ako ng wifi. naginternet. nagfacebook ako malamang, aba at nawala ang sakit! pero bumabalik na ngayon ehem live kase tong blog ko (wait lang iihi muna ako)
……. nisearch ko sa google. kase alam niya lahat. SIYA NA!… nitype ko “painful on urination” OMG ang result…….. Burning sensation with urination can be caused by infectious (including sexually transmitted .. WAHAHA! magpapaurinalysis ako bukas. NANG MAGKAALAMAN! :)))))
btw, ang medical term sa painful urination is DYSURIA. nakakahiya naman baka sabihin ni beni medici, dysuria lang hindi ko pa alam, eh naturingang sa catholic church pa naman ako nagaaral LOLOLOLOL
Page 1 of 19